top of page

23 years old na magsasaka, patay sa pamamaril sa Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur

iMINDSPH



Binaril at napatay ang isang 23-anyos na magsasaka sa Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.



Kinilala ang biktima na si Morsid Usman Mohammad, residente ng Barangay Pamalian, Shariff Saydona Mustapha.


Sa report ng Shariff Aguak Municipal Police, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo mula sa Shariff Aguak patungong Mamasapano, nang sinundan ito ng mga hindi pa kilalang suspek, sakay din ng motorsiklo.


Pagsapit umano sa Barangay Timbangan ay binaril na ang biktima saka tumakas ang mga suspek.


Limang fired cartridges mula sa di matukoy ng baril ang natagpuan sa crime scene.


Isinugod pa sa pagamutan ang biktima pero dineklara itong dead on arrival ng attending physician.


Blanko pa ang otoridad sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page