top of page

16 loose firearms, isinuko ng mga residente ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur sa militar

iMINDSPH


Isinuko ng mga residente ng Datu Saudi Ampatuan sa militar ang labing anim na loose firearms.



Ayon sa 6th Infantry Division bahagi ito ng pakikiisa ng mga residente sa Small Arms and Light Weapons (SALW) Program ng gobyerno.


Ayon kay 92nd Infantry Battalion Commander, Lt. Col. Christian Cabading, bahagi ito ng pakikiisa ng mga residente sa Small Arms and Light Weapons (SALW) Program ng gobyerno.


Isinuko ang mga baril, a-10 ng Pebrero na kinabibilangan ng dalawang Cal.50, Sniper Rifle; isang 7.62mm, Sniper Rifle; isang 5.56mm Ultimax 100 LMG; isang 12 Gauge Shotgun w/M203 grenade launcher attached; isang 40mm, RPG; dalawang 40mm, M203 Grenade Launcher; dalawang 9mm, Sub-machine gun; isang 9mm, Uzi Sub-machine gun, isang Cal.38, revolver pistol; isang Granada at dalawang bala ng RPG.


Sinabi ni 6th Infantry Division (6ID) at Joint Task Force (JTF) Central Commander, Brigadier General Donald Gumiran, na layunin ng SALW Management Program na tiyakin ang isang mas ligtas at mapayapang pamayanan sa pamamagitan ng pagpigil sa paglaganap ng mga loose firearms lalo na at nagsimula na ang campaign period sa national candidates.


Nanawagan naman si 1st Brigade Combat Team Commander, Brigadier General Jose Vladimir Cagara sa iba pang local government units (LGUs) na tularan ang hakbang na ginawa ng mga residente ng Datu Saudi Ampatuan upang mapuksa ang pagkakaroon ng loose firearms at maiwasan ang karahasang maaaring idulot ng mga ito.

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page