iMINDSPH
100 packs ng mixed vegetable seeds ang ipinamahagi ng Project TABANG sa ilalim ng Oplan Bangsamoro Rapid Assistance Livelihood sa Cotabato State University.
Ito ay suporta sa Refurbishing Organic Agriculture through Diversified Farming System (ROADS) program ng paaralan.
Isinagawa ang distribusyon sa Barangay Dinganen, Buldon, Maguindanao del Norte a -17, 1-18 at a-27 ng Oktubre.
Bahagi ito para sa initial set up ng “Gulayan sa Barangay for Sustainable Food Security” sa buong probinsya ng Maguindanao del Norte at Cotabato City.
Nilalayon ng OBRA na matulungan ang mga kooperative ng mangingisda at magsasaka gayundin ang mga indibidwal sa kanilang pang araw-araw na trabaho.
Comments