iMINDSPH

Nasawi ang 40-anyos na si Hadji Nano Utap, habang sugatan naman ang 45-anyos na si Tateiks Kalunsang, ang 38 years old na si Hadji Fahad Namo at 6 na taong gulang na bata nang pagbabarilin alas 9:40 ng umaga, araw ng Lunes, February 17 sa Sitio Paso, Barangay Mamasapano, Mamasapano, Maguindanao del Sur.

Ayon sa imbestigayon ng Mamasapano Police, sakay ng mini van ang mga biktimang sina Hadji Fahad at Hadji Nano ng mini van kasama ang 6 na taong gulang na bata.
Nakabuntot naman ang minamanehong motor ni Tateiks.
Mula Rajah Buayan municipality patungo ang mga ito sa direksyon ng Mamasapano nang pagbabarilin sila ng dalawang suspek pagsapit nila sa sitio Paso.
Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahgi ng kanilang katawan ang mga biktima habang agad umanong tumakas ang mga suspek ayon sa otoridad.
Walang narekober ang otoridad na basyo ng bala sa lugar na pinangyarihan ng krimen.
Blanko pa ang pulisya sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.
Comments