PUMALAG!
Pumalag si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa usapin ng posibleng paghingi ng International Criminal Court o ICC ng kopya ng transcript ng naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee tungkol sa war on drugs.
​
Sa press briefing, sinagot ng senador ang mga tanong ng media sa usapin.
ACCREDITED/REGISTERED
Walong Regional Parliamentary Political Parties sa BARMM ang nabigyan na ng Accreditation ng COMELEC at aprubado na ang Registration. Tatlong partido naman na naghain ng Motion for Reconsideration ang hindi pa nadesisyunan ng komisyon.
​
Accredited na at registered ng Commission on Election ang walong Regional Parliamentary Political Party sa BARMM.
​
Ito ay kinabibilanga ng
​
1. United Bangsamoro Justice Party or UBJP
2. MORO AKO PARTY
3. AL ITTIHAD UNGAYA SA KAWAGIB NU or AL ITTIHAD - UKB
4. SIAP KO AGAMA A SAMBITAN or SIAP
5. PROGRESIBONG BANGSAMORO PARTY o PRO
6. Bangsamoro Party or BaPa
7. Bangsamoro Grand Coalition or BGC
8. Bangsamoro People’s Party
​
Tatlo pang regional parliamentary political parties na naghain ng Motion for Reconsideration ang hindi pa nadesisyunan ng komisyon.
​
Ito ay ang 1ASC, MAHARDIKA at RAAYAT.
HOUSE BILL 11034
Itinutulak na sa mababang kapulungan ng kongreso ang House Bill 11034 o ang panukalang batas para ipagpaliban ang kauna-unahang Parliamentary Election sa BARMM.
​
Inihain ni House Speaker Martin Romualdez at Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong ang proposed measure.
​
Inilatag naman ni Congressman Adiong ang dahilan ng paghahain ng nasabing panukalang batas sa panayam sa kanya ng Radyo Pilipinas.
TUTOL!
Tutol si Senate Committee on Electoral Reforms Chair Senator Imee Marcos sa itinutulak na panukala na ipagpaliban ng isang taon ang pagsagawa ng parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
​
Sinabi ng senador, malaking pera ang mayroon aniya sa BARMM kaya posibleng marami ang nagkakainteres.
LIQUOR BAN
Bawal na ang pagbenta at pag inom ng alak sa mga pampublikong lugar at establishimento sa buong Cotabato City mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 8:00 ng umaga, epektibo ngayong araw, November 6.
​
Ito’y matapos lagdaan ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang Executive Order 138.
Sa ilalim ng section 2 ng EO, nakasaad ang sakop ng pampublikong lugar tulad ng parke, daan, plaza, alleys, at iba pang pampublikong lugar.
​
Sa establishimento, nakasaad sa EO ang mga bars, restaurants, clubs, convenience stores, retail shops, at iba pang commercial venues na nagbebenta at nagse-serve ng alak.
​
Nilinaw naman ng lokal na pamahalaan na hindi sakop ng kautusan ang mga private residences at private properties.
​
Sa section 2 ng EO, nakasaad ang pag atas sa Cotabato City PNP katuwang ang mga barangay tanod sa pagpapatupad ng nasabing kautusan.
TULONG SA APEKTADO NG GULO
Tinungo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Maguindanao del Sur ang mahigit tatlong daang pamilya na apektado ng gulo sa pagitan ng dalawang grupo ng MILF sa Kilangan, Pagalungan.
​
Handog ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang AGILA GMSM pack laman ang limang kilong bigas, assorted na canned goods, kape, gatas, kaldero, tsinelas, banig at thermos.
​
Matatandaang labinlima ang nasawi at anim ang sugatan sa bakbakan ng dalawang grupo.
HOMES PROGRAM
Namahagi ng 35 na sako ng tig-25 kilos ng bigas, food packs at 100 hygiene kits ang HOMES Program ng Project TABANG sa limang markadz at orphanage centers sa Guindulungan at Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur, at Talitay at Mother Kabuntalan naman sa Maguindanao del Norte.
​
Isinagawa araw ng Martes ang distribusyon sa
1. Markadz Mindo Litahfizil Qur’an Al-Kareem
2. Markadz Academy ibn Amir
3. Markadz Sisiman Litahfizil Qur’an Al-Kareem
4. Markadz Amiril Litahfizil Qur’an Al-Kareem
5. At Markadz Datu Mama
​
Ang HOMES ang isa sa mga sub-programs ng Project Management Office’s Humanitarian Response and Services, na naglalayong magbigay serbisyo sa mga orphans, senior citizens, person with disabilities, at with special needs.
​
Nanguna sa distribusyon ang Humanitarian Response and Services, at Health Ancillary Services, kasama ang Rapid Reaction Team (RRT).
ARESTADO
Napasakamay ng otoridad ang 14th Brigade Commander ng Inner Guard Base Command sa ilalim ng National Guard Front ng Moro Islamic Liberation Front, a-1 ng Nobyembre sa Sitio Tabang, Barangay Badak, Datu Odin Sinsuat.
​
Ang suspek ay nahaharap sa kasong double frustrated murder.
​
Ang Warrant of Arrest ay inisyu ng presiding judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 14, Cotabato City noong December 23, 2014.
​
200,000 pesos ang inirekomendang piyansa ng korte.
​
Ang warrant of arrest ay isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Maguindanao Provincial Field Unit, sa pakikipagtulungan ng CIDG Regional Field Unit BAR, CIDG Cotabato CFU, Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, Maritime Maguindanao Station, at ng Maguindanao Del Norte Police Intelligence Unit.
​
Nasa kustodiya na ng CIDG Maguindanao PFU office ang inarestong indibidwal para sa documentation at processing.
BLTFRB POLICIES
Pinulong ng Ministry of Transportation and Communications - BARMM - BLTFRB ang mga driver sa lalawigan ng Tawi-Tawi at isinailalim sa orientation-
​
Hinggil sa termino at kundisyon ng isang prangkisa, ang mga parusa sa paglabag sa mga patakaran ng Bangsamoro Land Transporatation Office, ang mga kinakailangan para sa pag-aaplay ng prangkisa, at ang bayad sa pagproseso nito.
​
Ang mga inisyatibo ng BLTFRB ay tugon sa layunin nitong makapagbigay ng maayos na pampublikong transportasyon sa Bangsamoro Autonomous Region.
​
Ang hakbang ay pinangunahan ng BLTFRB na dinaluhan ng mga drivers at operators ng mga Public Utility Vehicle (PUV) at iba pang mga stakeholder.
​
Samantala, kasabay rin na inilunsad ang mga bagong bukas na ruta sa lalawigan ng Tawi-Tawi alinsunod sa Memorandum Circular No. 2023-006 at 015
​
Ito ay kinabibilangan ng
1. Bongao Public Terminal- Sanga-Sanga
2. Bongao Public Terminal- Batu-Batu, Panglima Sugala
3. Bongao Public Terminal- Mandulan
4. Bongao Public Terminal- Lapid-Lapid
5. Bongao Public Terminal- Tarawakan
(Memorandum Circular No. 2023-015 dated)
1. Bongao Public Terminal-Balimbing Panglima Sugala
2. Bongao Public Terminal- Brgy. Silubbog
3. Bongao Public Terminal- Masantong