NEWS NOW | JUNE 6, 2023
NEWS NOW | JUNE 6, 2023
𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐎𝐑𝐒’ 𝐂𝐀𝐔𝐂𝐔𝐒
Inilunsad ngayong araw ang BARMM Governors’ Caucus kung saan nagsama-sama ang mga gobernador ng Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi sa pagtitipon sa Cagayan De Oro City. Lumagda rin sa isang manifesto ang mga gobernador laman ang mga usapin na tinukoy na kritikal at nangangailangan ng agarang aksyon para maisulong ang kaunlaran at kaligtasan sa BARMM. Ito ay ang usapin sa Rule of Law, Peace and Order at Inclusive Governance and Development.
𝐀𝐆𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐔𝐒𝐀𝐏𝐈𝐍𝐆 𝐊𝐑𝐈𝐓𝐈𝐊𝐀𝐋
Sa paglagda sa manifesto at pagtukoy sa mga usaping kritikal na nangangailangan ng agarang aksyon para maisulong ang kaunlaran at kaligtasan sa BARMM. Binigyan din ng mga gobernador ang ang usapin sa Rule of Law, Peace and Order at Inclusive Governance and Development.
𝐍𝐀𝐀𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐒
Naniniwala ang BARMM Governors’ Caucus na makakamit lamang ang sustainable peace and development sa ilalim ng matibay na rehime ng pangingibabaw ng batas. Sa nilagdaang manifesto, sinabi ni Sulu Governor Abdusakur Tan, isusulong nila at tititiyakin na ang lahat ng regional policies at batas ay naayon sa konstitusyon.
𝐏𝐄𝐀𝐂𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐎𝐑𝐃𝐄𝐑 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌
Binigyang diin rin sa manifesto ng BARMM Governors’ Caucus ang usapin sa peace and order. Sinabi ni Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Adiong na ang mga hamon sa seguridad sa BARMM ay hindi natutugunan ng sapat dahil sa hindi malinaw at nagsasapaw-sapaw na mandato ng law enforcement agencies at peace mechanisms. Nanawagan din ang mga gobernador na bilisan na ang pagpapatupad ng decomissioning ng process.
𝐈𝐍𝐂𝐋𝐔𝐒𝐈𝐕𝐄 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓
Sa usapin ng inclusive governance and development, nakasaad din sa manifesto ang pagsusulong ng equitable share, representation at partisipasyon sa pondo, polisiya at program sa buong rehiyon.
𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐘𝐀𝐋𝐎𝐆𝐎
Bukas naman ang mga gobernador sa buong BARMM sa mga nagnanais na maintindihan ng maigi ang position ng BARMM Governors’ caucus sa pamamagitan ng isang dialogo. Ito ang binigyang diin sa manifesto ni Tawi-Tawi Governor Yshmael “Mang” Sali.
𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐀𝐑𝐘
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Gilbert Teodoro bilang secretary ng Department of National Defense.
𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐎𝐇 𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐀𝐑𝐘
Mayroon na ring bagong kalihim ang Department of Health. Ito ay sa katauhan ni Dr. Teodoro Herbosa. Inanunsyo rin ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang kanyang pulong sa pagitan nina Herbosa at Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa Malacanang.
𝐀𝐂𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐃𝐈𝐑𝐄𝐂𝐓𝐎𝐑 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐋𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐄
Itinalaga bilang Acting Provincial Director ng Maguindanao del Norte si PCol. Salman Sapal
𝐁𝐀𝐁𝐀𝐄 𝐀𝐓 𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐈, 𝐀𝐑𝐄𝐒𝐓𝐀𝐃𝐎
Arestado sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-Bust operation ng otoridad sa Jolo Sulu ang isang babae at lalaki na DI-listed drug personalities.
𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐑𝐄𝐀𝐋
Lumagda sa isang Memorandum Of Agreement ang MILG at ang limang alkalde mula sa limang bayan sa Maguindanao del Norte at Lanao del Sur, kaugnay sa implementasyon ng Revenue Enhancement Assistance for Local Government Units o Project REAL.
𝐔𝐋𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍
Sa kanyang ulat sa bayan, inilatag ni Rajah Buayan Mayor Bai Maruja Mastura ang kanyang mga napagtagumpayan sa nakalipas na isang daan at limampu’t limang araw na panunungkulan bilang alkalde. Kabilang dito ang bumubuting peace and order sa bayan ang pagresolba sa problema sa RIDO.
𝐑𝐄𝐒𝐎𝐋𝐁𝐀𝐇𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐑𝐈𝐃𝐎
Panalo ang taombayan sa pagkakasundo ng mga lider sa BARMM. Ito ang sinabi ni MP Michael Midtimbang matapos matuldokan ang ilang isyung pulitikal sa Maguindanao at BARMM. Pero giit parin ng opisyal na maayos ang mga hindi pagkakaunawaan o problema sa Rido sa bawat bayan para magtuloy-tuloy ang pagiging maunlad ng isang lugar.
𝟏𝟎-𝐘𝐄𝐀𝐑 𝐒𝐎𝐋𝐈𝐃 𝐖𝐀𝐒𝐓𝐄 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐋𝐀𝐍
Upang mapahusay pa ang technical capacity ng Solid Waste Management Boards sa pagbuo ng 10-year Solid Waste Management Plan sa BARMM, nagsagawa ng training workshop ang Ministry of the Interior and Local Government.
𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐈 𝐀𝐓 𝐁𝐏 𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊 𝐔𝐏
Dinagsa ng mga gustong magpatuli at magpakuha ng blood pressure ang Medical Team ng Maguindanao del Sur Provincial Government sa bayan ng Buluan.
𝐀𝐏𝐈𝐍 𝐂𝐎𝐈𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐒𝐏
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad at presentasyon ng pinakabagong Philippine Independence at Nationhood o APIN Coin set ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
𝐁𝐔𝐌𝐀𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐅𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐑𝐀𝐓𝐄
Patuloy na bumababa ang inflation rate ng bansa na naitala sa 6.1% para sa buwan ng Mayo.
𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐏𝐀
Dalawang LPA ngayon ang binabantayan ng PAGASA, sa loob at labas ng bansa.
𝐀𝐑𝐓 & 𝐀𝐑𝐂𝐇𝐈𝐓𝐄𝐂𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐇𝐀𝐋𝐋
Binigyan ng bagong anyo ng Ministry of the Interior and Local Government ang itsura ng isang barangay hall ng Bangsamoro Government. Ito’y matapos pasinayaan ang 2-storey barangay hall sa bayan ng Salipongan, Balindong, Lanao del Sur. Makikita sa disensiyo ng gusali ang matingkad na kulay at sining.